PASUKAN NA NAMAN
Dahil pasukan na naman, siguro maganda din na mayroon tayong bagong matutunan tungkol sa mga aralin. Sanay na sanay na siguro tayong tawagin ang mga aralin, lalo na sa agham, sa kanilang mga banyagang pangalan. Hindi natin alam mayroon din itong mga nakatakdang pangalan sa ating wika. Para sa pagdiriwang ng ating Araw ng Kalayaan, Linggo ng Pambansang Watawat, Kaarawan ni Dr. Jose Rizal (isang dakilang mag-aaral) at sa umpisa ng pasukan, ito ang naisip kong ibahagi sa inyo:
Mga Aralin sa Wikang Filipino
Biology - Haynayan
Chemistry - Kapnayan
Mathematics - Sipnayan
Physics - Liknayan
Sa mga ito, una kong natutunan ang salitang Kapnayan sa aking unibersidad. Nagkaroon doon ng isang patimpalak kung saan nagpapaligsahan ang mga mag-aaral ng chemistry. Ang iba ay inalam ko na lang matapos kong malaman na mayroon din palang pangalan ang mga aralin sa wikang Filipino. Sana nga rin ay malaman ko paano naging ganoon ang mga salitang ito. Iyong pinagmulan ba nila, hindi ba? Isang kaalaman na naman! Sa uulitin po. Mabuhay!!! :)









